^

Bansa

1K Pinoy workers kailangan sa Israel

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
1K Pinoy workers kailangan sa Israel
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ng embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv na ang kasunduan na pinirmahan nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Israeli Tourism Minister Yariv Levin ay magbibigay daan sa mga Pinoy workers na magtrabaho bilang cleaners sa mga hotel doon.
File

MANILA, Philippines — Isang kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at bansang Israel kaugnay sa kanilang pa­ngangailangan ng 1,000 Pinoy workers sa mga hotel sa naturang bansa. 

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ng embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv na ang kasunduan na pinirmahan nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Israeli Tourism Minister Yariv Levin ay magbibigay daan sa mga Pinoy workers na magtrabaho bilang cleaners sa mga hotel doon.   

Ayon kay Ambassador to Israel Neal Imperial, ang 1,000 trabaho ay binuo sa pamamagitan ng isang kasunduan sa loob ng tatlong buwan matapos ang pagbisita ni Pangulong Duterte noong Setyembre. 

Batay sa pagtaya ng embahada ng Pilipinas,  nasa 28,000 mga Pinoy ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Israel.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

PINOY WORKERS

SILVESTRE BELLO III

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with