First 1,000 Days Law pirmado na
MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11148 o ang First 1,000 Days Law na isinulong ni Malabon Congressman Ricky Sandoval na naglalayong pataasin at tutukan ang wastong nutrisyon ng mga ina at kanilang supling sa unang 1,000 araw ng kapanganakan.
Sa ilalim ng batas na ito, inuutusan ang sangay ng pamahalaan na may kinalaman sa kalusugan na isaalang-alang at gawing prayoridad ang tamang pangangalaga sa kalusugan ng mga buntis, mga nanay na nagpapasuso, adolescent na mga kababaihan, at mga bagong panganak na sanggol hanggang dalawang taon upang maiwasan ang pagbagal ng paglaki ng mga bata at makaiwas sa iba’t ibang uri ng sakit. Kailangang sila ay makakuha ng pagkaing wasto para sa kanilang edad, sapat na bakuna, deworming at iba pa.
“Sa pamamagitan ng batas na ito, ipinagbubuntis pa lamang ang mga bata ay nakaantabay na ang serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan. Prevention is better than cure kaya natin isinulong ang batas na ito upang maagapan at mabawasan na ang kaso ng mga batang lumalaking kulang sa timbang, malnourished, at sakitin dahil na rin sa hindi wasto at sapat na batayang serbisyo,” ayon kay Sandoval.
- Latest