Brgy. health centers sa QC, palalakasin
MANILA, Philippines — Upang mas mapalakas at mapabuti ang serbisyo ng mga health centers sa lungsod ng Quezon, isusulong ni Vice Mayor Joy Belmonte ang paga-adopt ng virtual medical consultation.
Aniya, panahon na upang magkaroon ng isang mahusay na health centers sa lungsod upang mabigyan ng agarang lunas ang mga problema sa kalusugan ng mamamayan ng QC.
Sa kanyang talumpati sa ginanap na District Health Management Council, sinabi ni Belmonte na siya ay nalulungkot sa kakulangan ng mga doktor sa mga health centers sa lungsod kaya’t ito ngayon ang kanyang tututukan na ma-modernize ang medical consultation sa pamamagitan ng virtual check-up.
“There is this technology wherein a doctor is assigned to three to four health centers but he is not physically present in those health centers. He just needs a big television screen, and there are nurses who will get the data about the patient, such as vital signs, and it is the doctor who will give instructions on what the patient needs to do or to take, that way, the doctors can give advice to several health centers to several patients all at the same time,” pahayag ni Belmonte.
Sinabi ni Belmonte na sila ay nahikayat na maikonsidera ang bagay na ito dahil ang naturang teknolohiya aniya ay ginagamit na ng mga kalapit na lunsod sa ating bansa gayundin sa mga karatig-bansa ng Pilipinas.
Dagdag pa ni Belmonte, ang data gathering ay magsisimula sa unang anim na buwan ng 2019. Plano aniya niyang magkaroon ng dagdag na mga Barangay Health Management Councils sa QC na agarang tutugon sa health problems ng mga taga QC.
- Latest