MANILA, Philippines — Walang plano si Pangulong Duterte na makipag-usap muli sa Communist Party of the Philippines.
Ayon sa Pangulo, mas mabuting ibaba muna ng mga rebelde ang kanilang armas at magbalik-loob na lamang sa pamahalaan.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag kamakalawa ng gabi sa kanyang mensahe sa awarding ng child-friendly cities and municipalities.
“Rebels should drop the gun and we will talk. And itong komunista, I’m no longer ready to talk to you. I’ve done it before. Magmukha lang tayong g***. You insult me, I insult you. Para tayong bata,” wika pa ni Pangulong Duterte.
Nagbanta pa ang Pangulo kay CPP founding chairman Jose Maria Sison na sasampalin niya ito sa sandaling umuwi ng bansa.
Magugunita na kamakailan ay sinabi ng Pangulo na nais niyang bumuo ng death squad pantapat sa sparrow unit ng NPA.