Mataas na buwis sa alak, yosi lusot
MANILA, Philippines — Aprubado na sa Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang mga panukalang batas na nagtataas ng buwis sa sigarilyo at sa mga nakakalasing na inumin.
Sa botong 187-Yes, 7-No at 1 Abstain ay nakalusot ang House Bill 8677 na mag-aamiyenda sa Republic Act 10351 o ang Sin Tax Reform Law na magtataas sa excise tax sa tobacco ng P2.50 kada taon simula Hulyo 2019 hanggang 2022.
Sa ilalim ng Tax Reform and Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, sa 2019 ay magiging P35 na ang bagong excise tax sa mga tobacco products mula sa kasalukuyang P30 lang.
Pero oras na maging batas ang panukalang nagtataas pa ng buwis na ito, magiging P37.50 na kada pakete ang excise tax sa July 2019. Kada taon, madadagdagan ito ng P2.50 hanggang 2022.
Samantala inaprubahan din sa botong 189-Yes at 7-No ang House bill 8618 na layong itaas naman sa P6.60 ang excise tax sa mga alcoholic drinks.
Ang makokolektang kita mula sa tobacco at alcohol excise tax ay mapupunta sa pagpopondo sa Universal Health Care Act.
- Latest