Malaking plaka ng motorsiklo isasalang na sa bicam
MANILA, Philippines — Malapit ng maging batas ang panukala na gawing malaki ang plaka ng mga motorsiklo na isasalang na sa bicameral conference committee ngayong linggo.
Sa sandaling pumasa na sa komite, raratipikahan ang panukala at ipapasa sa Malacañang para malagdaan ni Pangulong Duterte.
Umaasa si Sen. Richard Gordon na magiging ganap na batas ang panukala na tiyak aniyang makakatulong para hindi magamit sa krimen ang mga motorsiklo na kalimitang sinasakyan ng mga riding-in-tandem.
Ibinigay na halimbawa ni Gordon, ang nangyaring pagpatay sa businessman na si Dominic Sytin, na binaril sa labas ng Lighthouse Hotel sa loob ng Subic Freeport Zone noong nakaraang linggo ng isang hindi pa kilalang suspek na tumakas gamit ang isang motorsiklong walang plaka.
Tiniyak ni Gordon na kapag naging batas, hindi na papayang makalabas ang mga motorsiklong walang malaking plaka.
- Latest