^

Bansa

Bilyong pekeng sigarilyo kumpiskado

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Bilyong pekeng  sigarilyo kumpiskado
Ang lighting-raid ay isinagawa ng mga opisyal ng Department of Finance, Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue bilang bahagi ng kampanya nito laban sa pekeng sigarilyo at smuggling.

MANILA, Philippines — Multi-bilyong halaga ng pekeng sigarilyo ang nakumpiska ng mga awtoridad sa bayan ng Mangaldan at Bugallon sa Pangasinan kamakailan sa dalawang factory na pinaniniwalaang ‘tip of the iceberg’ pa lamang lalo’t ang factory ay katabi lamang ng bahay ng isang congressman.

Ang lighting-raid ay isinagawa ng mga opisyal ng Department of Finance, Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue bilang bahagi ng kampanya nito laban sa pekeng sigarilyo at smuggling.

Limang Chinese nationals na pawang tourist visa lamang ang hawak at 23 Pinoy na laborers na mula sa Mindanao ang mga naaresto.

Armado ng warrant ang mga tauhan ng NBI, BOC at BIR ng salakayin ang nasabing fake cigarette factories na nakarehistro sa isang “Dong’ Calugay at mga John Does na sinasabing may-ari ng piggery at pabrika na frontman sa pabrika.

Ayon kay Atty. Sonny Advincula ng NBI, multi-milyong halaga din ng pekeng BIR tax stamps, bulto ng filter ng sigarilyo, 3 unit ng packing machines, 24 na filter rods, 134 sako ng cut filters, rolyo ng foil, cigarette papers ang nakumpiska sa raid.

Ang mission order ay nilagdaan ni BIR deputy commissioner Arnel Guballa laban kay Calugay na nag-apply ng permit para sa kanyang piggery na ginamit din para makakuha ng environmental clearance sa DENR.

Ayon sa intelligence source ng Pangasinan PNP, ang Calugay na tinukoy ay isang dating PO1 Calugay na nag-resign dahil tatakbong alkalde ng bayan ng Sual. Malapit na tauhan ito at trusted man umano ng isang dating gobernador.

Ang mga pekeng sigarilyo ay ibinebenta sa ibat ibang bayan sa Region 1,2, 3 at Metro Manila na ibinebenta mas mura sa pesyo ng Winston, Marlboro, Marvel, Mighty at Fortune. 

“Nasorpresa rin kami lahat ng sumalakay ang NBI and BIR arrived noong Nov. 28. Wala kaming alam na may iligal na factory ng sigarilyo sa loob ng piggery,” wika ni Edilberto Urduna, chairman ng Brgy. Portic.

PEKENG SIGARILYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with