MANILA, Philippines — Hindi sinipot kahapon ni Pangulong Duterte ang pagdiriwang ng ika-135 taong kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio sa Caloocan City.
Sa halip ay ipinadala ni Pangulong Duterte bilang kanyang kinatawan sa pagdiriwang sa bantayog ni Bonifacio sa Monumento, Caloocan City si Executive Secretary Salvador Medialdea.
Mag-aalay sana ng bulaklak sa bantayog ni Bonifacio sa Monumento circle sa Caloocan City si Pangulong Duterte kahapon ng hapon subalit pinakansela ito ng Presidente.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kinakailangang magpunta ng Mindanao ng Pangulo dahil sa problema ng insurgency.
“The President “has to fly to Mindanao to attend to the problem of insurgency there,” paliwanag pa ni Panelo.