Suspension sa excise tax sa langis pinababawi

Sa joint statement ng BDCC, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na sa kanilang pananaw ay hindi na kailangang suspindihin ang excise tax sa fuel sa pamamagitan ng TRAIN 2 dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.
File Photo

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Development Budget Coordinating Committee (DBCC) kay Pangulong Duterte na bawiin na ang naunang rekomendasyon na suspindihin ang excise tax sa fuel sa susunod na taon bagkus ay ituloy na ang pangongolekta nito sa 2019.

Sa joint statement ng BDCC, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na sa kanilang pananaw ay hindi na kailangang suspindihin ang excise tax sa fuel sa pamamagitan ng TRAIN 2 dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Siniguro rin ng DBCC na hindi maaapektuhan ang Pantawid Pasada Program ng gobyerno kahit ipatupad ang P2 excise tax.

Sabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez, ang patuloy na pagsuspinde sa excise tax sa susunod na taon kahit patuloy ang pagbaba ng presyo ng krudo sa world market ay mangangahulugan lamang ng pagkalugi ng gobyerno ng P43.4 bilyon.

Ayon pa kay Sec. Dominguez, dapat maunawaan ng publiko na ang pangongolekta ng pamahalaan ng dagdag na buwis sa langis ay hindi naman dahil gusto lang nilang mang-inis ng mamamayan, kundi para makalikom ng ipantustos sa mga proyekto ng gobyernong pakikinabangan ng mayorya ng mga Pilipino.

Show comments