^

Bansa

Taas presyo sa sardinas simula Dis. 5 aprub sa DTI

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Taas presyo sa sardinas simula Dis. 5 aprub sa DTI
Sa pulong ng DTI at mga manufacturer ng sardinas noong Miyerkoles, napagkasunduan ang dagdag-pres­yo na maglalaro sa P0.50 hanggang P0.80 sa delatang sardinas simula Disyembre 5, sabi ni Canned Sardines Association of the Philippines president Marvin Tiu Lim.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Simula sa Disyembre 5 ay tataas na ang presyo ng sardinas matapos aprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit ng mga manufacturer.

Sa pulong ng DTI at mga manufacturer ng sardinas noong Miyerkoles, napagkasunduan ang dagdag-pres­yo na maglalaro sa P0.50 hanggang P0.80 sa delatang sardinas simula Disyembre 5, sabi ni Canned Sardines Association of the Philippines president Marvin Tiu Lim. 

Bagama’t bumaba na ang presyo ng produktong petrolyo sa world market, giit ni Lim ay hindi nila naram­daman ang rollback. 

Paliwanag niya, ang mga ginawang sardinas ay noon pang Hulyo at Agosto, kung saan mataas pa ang presyo ng mga ito sa suppliers. 

Ani Lim, posibleng hindi na magtaas ng presyo ang sardinas sa 2019 kung magtuloy-tuloy pa ang rollback sa presyo ng langis. 

Magugunitang nagkaroon ng “price freeze” ang Trade department sa mga presyo ng pangunahing bilihin hanggang matapos ang Nobyembre.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with