^

Bansa

Lizada inilipat sa CSC

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Lizada inilipat sa CSC
Sa inilabas na appointment paper ng Malacañang, itinalaga ni Pangulong Duterte si Lizada sa Civil Service Commission (CSC) bilang Commissioner.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Binigyan ng bagong puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating LTFRB spokesperson at board member Aileen Lizada.

Sa inilabas na appointment paper ng Malacañang, itinalaga ni Pangulong Duterte si Lizada sa Civil Service Commission (CSC) bilang Commissioner.

Nilagdaan ng Presidente ang appointment paper ni Lizada nitong Nobyembre 9.

Si Lizada ay magsisilbing commissioner ng CSC na may terminong magtatagal hanggang February 2, 2025 kapalit ni Robert Martinez.

Sinasabing tumindi ang mga reklamo ng mamamayan hinggil sa mabagal na pagkilos ng LTFRB sa mga papeles na nailalatag sa ahensiya dulot ng hindi magkasundong pangangasiwa sa tanggapan ni LTFRB Chairman Martin Delgra at Lizada kaya nagdesisyon umano ang Malakanyang na alisin ang isa sa mga ito sa ahensiya.

Tumindi pa ang iringan ni Delgra at Lizada nang magpalabas ng kautusan ang LTFRB hinggil sa pasahe sa jeep at bus na umano’y hindi sinang-ayunan at hindi nilagdaan ng huli.

Samantala, itinalaga rin ni Pangulong Duterte bilang Undersecretary ng Dep’t of Agriculture si Waldo Reyes Carpio, bayaw ni Davao City Mayor Sara Duterte at kapatid ng kanyang mister na si Atty. Mans Carpio.

Hinirang naman ng Pangulo bilang ambassador extraordinary and plenipotentiary for the republic of Chile si Teresita Cruz Daza. (Angie dela Cruz)

AILEEN LIZADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with