^

Bansa

Dec. 15, Christmas break ng mga estudyante - DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Dec. 15, Christmas break  ng mga estudyante - DepEd
Sa Department Order No. 25, Series of 2018, mula sa dating schedule na Disyembre 22, ay ginawang Disyembre 15 ang Christmas break ng mga mag-aaral ngayong taon.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang mas maagang Christmas break para sa mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Sa Department Order No. 25, Series of 2018, mula sa dating schedule na Disyembre 22, ay ginawang Disyembre 15 ang Christmas break ng mga mag-aaral ngayong taon.

Nakasaad sa kautusan na pirmado ni Education Sec. Leonor Briones, na layunin ng kautusan na magkaroon ng mas mahabang ‘quality time’ ang mga estudyante at kanilang pamilya ngayong panahon ng kapaskuhan, na isa sa pinakamahalagang okasyon para sa mga Pinoy.

“In view of the foregoing, the Department issues this Order amending the start of the Christmas break from Saturday, December 22, 2018, as provided in Paragraph 10 of DepEd Order No. 25, s.2018 (School Calendar for School Year 2018-2019) to Saturday, December 15, 2018,” bahagi pa ng kautusan.

Itinakda naman ng DepEd ang pagbabalik klase ng mga eskwela sa Enero 2, 2019, Miyerkules, o isang araw lamang matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Nilinaw naman ng DepEd na mananatili pa ring Abril 5, 2019 ang huling araw ng klase para sa kasalukuyang school year.

CHRISTMAS BREAK

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with