MANILA, Philippines — Hinamon ni smartmatic scandal whistleblower at election lawyer Atty. Glenn Chong ang Commission on Election at ang pamunuan ng Smartmatic na kasuhan siya kung tingin nila na mali ang kanyang mga ibinunyag sa Senado.
Sa ginanap na pulong balitaan, sinabi ni Chong na hindi na siya inimbitahan ng Senado para sa hearing bukas hinggil sa dayaan sa halalan.
Aniya, kung hindi siya pinagsalita nito ng Senado, hindi na rin umano siya inimbitahan ni joint congressional oversight committee chair Koko Pimentel.
Kaya naman sumulat na lang siya sa noo’y Senate President Koko Pimentel patungkol sa kanyang suhestyon na para tuluyan nang matigil ang dayaan sa halalan.
Kaugnay niyan ay nanawagan ang mga miyembro ng Liga Independencia Filipinas na sa Nobyembre 29 at 30 ay magsasagawa sila ng malakihang prayer rally sa Quirino Grandstand upang sama-samang ipanawagan ang pagbabago at suporta sa administrasyong Duterte.