^

Bansa

Pagsuspinde sa excise tax sa petrolyo ipipilit

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagsuspinde sa excise tax sa petrolyo ipipilit
Ayon kay Quimbo, bagamat welcome ang desisyon ng Malacañang na aprubahan ang rekomendasyon ng mga economics managers na suspindihin ang ikalawang round ng excise tax rates sa mga petroleum pro­ducts sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na nakatakdang ipatupad sa 2019, hindi pa rin umano ito sapat.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Sa kabila ng sunud-sunod na rolbak sa presyo ng gasolina, isinusulong pa rin ni Marikina Rep. Miro Quimbo ang pagsuspinde sa excise tax sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay Quimbo, bagamat welcome ang desisyon ng Malacañang na aprubahan ang rekomendasyon ng mga economics managers na suspindihin ang ikalawang round ng  excise tax rates sa mga petroleum pro­ducts sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na nakatakdang ipatupad sa 2019, hindi pa rin umano ito sapat.

Ang kailangan uma­nong gawin ay tanggalin lahat ng tax sa diesel at kerosene at ibalik ang sitwasyon bago ipinasa ang TRAIN.

Nauna nang naghain si Quimbo ng House bill 8171 na layong ibasura ang excise tax sa kerosene at diesel sa ilalim ng TRAIN law at otomatiko na rin suspendihin ang iba pang produktong petrolyo.

Layon ng panukala na solusyunan ang tumataas na inflation sa bansa na epekto ng TRAIN Law dahil sa pagpapataw ng excise tax sa kerosene at diesel na dalawang produkto kung saan umano nakadepende ang mga mahihirap.

Sa ilalim ng TRAIN law, P2.50 kada litro ng excise tax ang itataas sa disel gayundin sa gasolina na P7.00 kada litro.

MIRO QUIMBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with