^

Bansa

Government workers may umento sa sahod

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Government workers may umento sa sahod
Inihayag ni Majority Lea­der at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. na makakamit ng mga nagseserbisyo sa gobyerno ang umento kahit na hindi pa maaprubahan ang 2019 national budget.
File

CEBU, Philippines — Makakatanggap ng dagdag suweldo ang mga em­pleyado ng gobyerno sa Ene­ro ng susunod na taon.

 

Inihayag ni Majority Lea­der at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. na makakamit ng mga nagseserbisyo sa gobyerno ang umento kahit na hindi pa maaprubahan ang 2019 national budget.

“The fate of the 2019 national budget will have no impact on the sche­duled round of pay hikes next year for government personnel, civilian and military,” pahayag ni Andaya.

Kasabay nito, sinabi ni Andaya na ‘fake news ‘ umano ang mga lumabas na balita na ang dagdag suweldo ay depende kung maaprubahan ang national budget para sa susunod na taon.

Aabot sa P 3.757 tril­yon ang panukalang budget para sa 2019 at ayon sa solon ay nakaprograma na ang dagdag suweldo sa mga empleyado ng gobyerno.

Ang increase sa sahod ay makukuha na sa unang paycheck sa Enero 15, 2018 para sa mga sibilyang empleyado at military personnel na nasasaklaw ng hiwalay na batas.

Nakatakda namang magpalabas ang gobyerno ng P121.7 bilyon para sa dagdag suweldo ng mga empleyado ng gobyerno.

SAHOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with