‘Tomas’ papasok ngayon sa PAR

Oras na pumasok sa Philippine Area of Res­ponsibility (PAR) ang bagyo, ito ay tatawaging Tomas.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Inaasahang papasok ngayong araw ng Sabado ang bagong bagyo na may international name na Man-yi.

Oras na pumasok sa Philippine Area of Res­ponsibility (PAR) ang bagyo, ito ay tatawaging Tomas.

Kahapon ng alas-10 ng umaga, si Man-yi ay namataan ng PAGASA sa layong 1,255 kilometro silangan ng southern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 145 kilometro kada oras at may pagbugso na aabot sa 180 kph.

Si Man-yi ay patuloy na kumikilos sa may hila­gang kanluran sa bilis na 25 kph habang papalapit sa eastern boundary ng PAR.

Wala pa namang direktahang epekto ang bagyo na ika-20 na pumasok sa bansa ngayong 2018.

Show comments