Pagpatay sa ex-konsehal sa Pangasinan kinondena ni Lambino
MANILA, Philippines – Kinondena ni ?Pangasinan vice-gubernatorial candidate Mark Lambino ang pagkakapaslang sa dating konsehal ng Bayambang, Pangasinan na si Levin Uy.
Si Uy ay binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang mga salarin noong umaga ng Nobyembre 16 habang nagdya-jogging siya malapit sa kanyang bahay sa Barangay Poblacion. Nasugatan ang kanyang kasama.
Wala pang matukoy na suspek o motibo sa pagpatay ang mga awtoridad pero nanawagan si Lambino sa Philippine National Police at Department of Justice na masusing imbestigahan ang krimen para mapanagot ang mga salarin.
“Kung may bahid pulitika ang motibo sa pagpatay kay Councilor Uy, mas lalo naming ikinagagalit ang patraydor at duwag na gawaing ito,” sabi pa ni Lambino.
Si Uy ay kumakandidatong muli sa halalan sa susunod na taon at kaalyado ni Bayambang Mayor Cezar Quiambao at ng running mate ni Lambino na si Pangasinan gubernatorial candidate Arthur Celeste na kasalukuyang alkalde ng Alaminos City.
Sa isang pahayag, pinapurihan ni Lambino si Uy bilang iginagalang na public servant at mahal ng mamamayan ng Bagumbayan.
‘Malaking kawalan siya sa kanyang pamilya, kanyang mga tagasuporta at political allies at sa buong pamayanan,” sabi pa ni Lambino na panganay na anak ni Secretary Raul L. Lambino, Presidential Adviser for Northern Luzon at CEZA Administrator and Chief Executive Officer.
- Latest