^

Bansa

Unang missile system ng Phl Navy, inilunsad

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Unang missile system  ng Phl Navy, inilunsad
Nagpakawala ng Spike Extended Range Missile ang isang Multi-Purpose Attack Craft sa ginawang live exercise sa Lamao Point, Bataan sa kauna-unahang missile system ng Philippine Navy.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Philippine Navy (PN) ang kauna-unahan nitong missile system sa isinagawang capability demonstration sa Lamao Point, Bataan nitong Miyerkules.

Kabilang sa highlight ng scenario-based capability demonstration ang live test firing ng bagong lagay na Spike Extended Range (ER) Missile Launching System (MLS) at Mini Typhoon Machine Gun System (MGS) ng Multi-Purpose Attack Craft (MPAC) Mkill ng Philippine Navy.

Sa nasabing scenario ay dalawang spike ER missiles ang pinaputok na pinatamaan ang target na isang sasakyang pandagat na nasupil sa epektibong pagtugon ng air at surface assets ng hukbong dagat.

“The Spike ER missile has a minimum and maximum effective range of 400 meters ang 8,000 meters respectively. It can penetrate up to 1,000 MM of rolled homogenous armor, good enough to destroy small boats and armored vehicles of damage small ships,” ani  PN spokesman Commander Jonathan Zata.

Ang Augusta Westland (AW) 109 naval helicopter na armado naman ng 50 calibre machine guns at 2.75 inch rockets ay nagsagawa naman ng close air support sa operating troops at surveillance operations.

PHILIPPINE NAVY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with