P2 dagdag presyo sa tinapay

Ayon kay DTI Consumer Protection Advocacy Bureau director Dominic Tolentino, ang kanilang hakbangin ay bunsod ng price hike ng mga sangkap sa paggawa ng tinapay tulad ng arina at asukal.

MANILA, Philippines — Inaprubahan na kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang dalawang P2 dagdag presyo para sa branded loaf bread.

Ayon kay DTI Consumer Protection Advocacy Bureau director Dominic Tolentino, ang kanilang hakbangin ay bunsod ng price hike ng mga sangkap sa paggawa ng tinapay tulad ng arina at asukal.

Sabi ng DTI, sa P2 dagdag presyo ay hindi sakop ang pandesal, low-cost Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal.

Mariing itinanggi ni Tolentino na tinangka nilang isikreto ang pagpapatupad ng price hike sa tinapay. 

Nagulat naman si Vic Dimagiba, pangulo ng Laban Konsyumer sa pagtaas ng presyo ng branded loaf bread na mula P62 ay naging P64 kada 600-gram pack.

Wala aniyang abiso ang DTI sa price hike ng tinapay at inihayag ng millers nitong nakaraang buwan na walang pagtaas sa presyo ng wheat.

Show comments