Presyo ng sardinas tataas
MANILA, Philippines — Nakatakdang tumaas ang presyo ng mga delatang sardinas sa unang linggo ng Disyembre.
Nabatid kay Marvin Lim, pangulo ng Canned Sardines Association of the Philippines, na mula P0.50 hanggang P0.60 ang iaakyat sa presyo ng bawa’t lata nito.
Iginiit ni Lim na ang pagtaas ay bunsod na rin ng malaking kakapusan at pagmahal ng isdang tamban at pagtaas ng dollar rate.
Sinabi ni Lim, nag-abiso na sila sa pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa nakatakdang pagmahal ng sardinas.
Pinabulaanan din ni Lim ang pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na walang kakapusan sa isdang tamban, na pangunahing sangkap sa paggawa ng sardinas.
Anya, malaki ang kakapusan sa tamban at hinahabol nila ang pagbili dahil sa pagsasara o muling pag-ban ng nabanggit na isda ngayong Disyembre.
- Latest