Plakang ‘8’ binawi na ng Kamara
MANILA, Philippines — Binabawi na ng Kamara ang lahat ng lumang otsong plaka na inisyu sa mga dati at kasalukuyang kongresista na miyembro ng 16th Congress.
Sa manifestation ni House Majority leader Rolando Andaya Jr. binasa niya ang memorandum order na pirmado ni Secretary General Roberto Maling.
Iginiit ni Andaya na ang kanilang hakbang sa pagbawi sa mga otsong plate number ay dahil sa natatanggap nilang ulat na sangkot ito sa crime related activities.
Dahil dito kaya ipinag-utos umano agad ni Speaker Gloria Arroyo ang pag-recall o pagbawi sa lahat ng protocol plates na inisyu pa noong 16th Congress.
Pakiusap ni Andaya ibalik ang lahat ng car plates sa tanggapan ng Office of the Secretary General.
Matatandaan na nagamit ng isang road rage suspect ang isang number 8 plate sa isang insidente sa Angeles City kung saan nagpakilala siyang anak ni Pampanga Rep. Carmelo Lazatin na mariin namang itinanggi ng kongresista na sa kanya ang FJ Cruiser na sinakyan ng suspek na si Jojo Valerio.
- Latest