^

Bansa

Custodial center redi kay Imelda

Joy Cantos, Rudy Andal, Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Custodial center redi kay Imelda
Rep. Imelda Marcos

MANILA, Philippines — Inihahanda na ng Philippine National Police ang PNP-Custodial Center para pagkulu­ngan kung sakaling iutos na ng Sandiganbayan na arestuhin si dating Unang Ginang at Ilocos Norte Rep. Imelda Romualdez Marcos matapos na mapatunayang guilty sa pitong kaso ng graft.

Ayon kay PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde, kung sakaling magpalabas na ng warrant of arrest ang Sandiganbayan ay  nakahanda na anumang oras ang nasabing detention faci­lity para sa dating Unang Ginang.

Kasabay nito sinabi ni Albayalde na ikokonsidera nila ang kalusugan at edad ng Unang Ginang kung  atasan silang arestuhin ito.

“Ito naman kasi wala tayong nakikitang ma­ging problema sa kanya dahil una medyo may edad na, babae and of course we will accord the same respect just like what we accorded to Sen. (Antonio) Trillanes IV and the former first lady just in case ilalabas yan,” ani Albayalde.

 Ang PNP Custodial Center ang pinakamala­king detention center sa loob ng Camp Crame na pinagkukulungan sa mga high profile inmates. Sa kasaluluyan, nakapiit sa nasabing piitan sina Senadora Leila de Lima at dating Senador Ramon Revilla Jr.

 Nitong nakalipas na linggo ay hinatulan ng Special Anti-Graft ng Sandiganbayan si Marcos, 89, ng anim hanggang 11 taong pagkaka­bilanggo sa bawat isa sa pitong kaso ng paglabag nito sa anti-corruption law  na aabot sa $200 mil­yon sa Swiss foundation noong 1970 sa panahon ng panunungkulan nito bilang Metropolitan Manila Governor.

Samantala, sinabi kahapon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na malabo pang bigyan ng pardon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte si Marcos.

Ayon kay Panelo, mas­yado pang maaga para ikonsidera ang hirit ng ilang analysts mula sa ilang sektor na bigyan ng pardon si Marcos.

Inaasahang aapela ang nasentensiyahang kongresista sa Sandiganbayan at maaaring umabot pa ito sa Supreme Court.

Idinagdag pa ni Pa­nelo na ang constitutional authority ni Pangulong Duterte sa pagbigay ng pardon ay para lamang sa mga taong na-convict sa pamamagitan ng final judgment.

Kailangan din daw ikonsidera ni Duterte ang magiging rekomendasyon ng Board of Pardons and Parole na nasa ilalim ng Department of Justice.

Pero, ayon kay Senador Francis Escudero, diskuwalipikado ang dating Unang Ginang sa presidential pardon dahil meron pa itong ibang kinakaharap na kaso kahit nahatulan na dahil sa Swiss bank account nito.

 Idinagdag din ni Escudero na kahit naman sino ay maikokonsiderang mabigyan ng presidential pardon pero dapat ay pinal na ang hatol sa kaso.

Kaugnay nito, mula nang masentensiyahan siya ng Sandiganbayan, hindi pa nagpapakita si Marcos sa mababang kapulungan ng Kongreso hanggang kahapon.

Sinabi ng isa sa staff sa tanggapan ni Marcos sa Kamara na hindi nagpakita sa Batasan ang kongresista maghapon kahapon.

Abala umano si Marcos sa ibang aktibidad sa labas ng Kamara subalit hindi na ito idinitalye pa.

Maging sa plenaryo ay hindi sumipot ang mambabatas sa unang  araw ng resumption ng sesyon matapos ang kanilang Undas break. 

Samantala, sinabi naman ni House Majority lea­der Rolando Andaya na susundin at irerespeto  nila ang naging desisyon ng Sandiganbayan.

Related video:

IMELDA ROMUALDEZ MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with