‘Shrilling Chicken’ Toy ipinatatanggal
MANILA, Philippines — Iginiit sa pamahalaan ng EcoWaste Coalition, isang non-profit environmental health organization, ang agarang pagpapatanggal ng mga banned “shrilling chicken” plastic toy sa ating bansa.
Ayon sa naturang grupo, hiniling na rin nila sa Ximiso Corp. na huwag ibenta ang naturang china maid product na isang squeezable plastic toy na may hugis manok na naibebenta sa halagang P95 kada piraso na may anim na variants.
Sinabi ni Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng EcoWaste Coalition. Na ang naturang mga produkto ay may taglay na nakalalasong kemikal na may hatid na epekto sa kalusugan ng tao at kapaligiran bukod sa wala itong market authorization mula sa Food and Drug Administration (FDA) at walang labelling.
- Latest