Cayetano nananatili sa puso ng mga taga-Taguig
MANILA, Philippines — Kung tatanungin ang mga residente ng Taguig-Pateros, nananatili sa puso nila si dating Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na tatakbong kongresista ng distritong ito sa susunod na taon.
Ayon sa ilang mga residente, ang gusto ng Taguig ay tulad ni Cayetano na handang ipaglaban ang kanyang nasasakupan. Isang lider na totoong may mahusay na track record sa paglilingkod sa bayan.
Kamakailan lang ay pinuri si Cayetano ng bagong kalihim ng DFA na si Teodoro Locsin Jr. dahil napahusay ang pagpoproseso ng passport pati na rin ang serbisyo at tulong para sa mga OFW sa buong mundo.
Sa isang post sa Twitter, sinabi ni Locsin na mas napaganda ang frontline services ng DFA sa panahon ng panunungkulan ni Cayetano na isa ring dating senador.
Dahil na rin sa pagsisikap ni Cayetano kaya naisama sa courtesy lane ang senior citizens at isa nilang kamag-anak, mga taong may kapansanan at isa nilang kaanak, mga batang edad pito pababa, ang kanilang mga magulang at menor de edad na kapatid, mga buntis, nagbabalik na OFWs, gayundin ang solo parents at kanilang menor de edad na mga anak.
- Latest