MANILA, Philippines — Siniguro ng Malacañang na hindi nakialam si Pangulong Duterte sa pagkakapili sa 3rd Telco kung saan ay nanalo ang supporter nitong si Dennis Uy ng Udenna-Chinese telecom.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, naging policy ng Pangulo na hindi makialam sa mga biddings kahit ang malalapit sa kanya ay kabilang sa mga bidders.
Magugunita na ang Consortium na Mislatel ng Udenna ni Dennis Uy, Chelsea at Chinese telecom ang naging provisional 3rd Telco sa ginawang bidding sa National Telecommunications Commission (NTC) para sa 3rd Telco.
Na-disqualify naman ang Sear Telecom na consortium ng LCS ni ex-Ilocos Sur Gov. Chavit Singson at TierOne telecommunications international at PT and T.
Ang ikatlong Telco ang magiging kalaban ng 2 giant telecommunications firm na Smart at Globe.