NFA mag-iimport ulit ng bigas
![NFA mag-iimport ulit ng bigas](https://media.philstar.com/images/articles/bansa10-rice-nfa-miguel-de-guzman_2018-11-08_22-04-42.jpg)
MANILA, Philippines — Plano na naman ng National Food Authority (NFA) na mag-angkat ng bigas.
Ito’y makaraang buksan ng NFA ang pre-bidding conference para sa 12 rice suppliers mula sa mga bansang Asya para sa importasyon ng 500,000 metric tons ng 25 percent broken, long grain white rice bilang dagdag na buffer stock ng pamahalaan.
Itinakda naman ng NFA sa November 20 ang actual na bidding para sa rice importation.
Ang unang 250,000 Metric tons ng bigas ay inaasahang maipasok sa Pilipinas bago sumapit ang December 31 habang ang nalalabing 250,000 MT ay darating bago January 31, 2019.
Ang importasyon ng 500,000 metric tons ay naaprubahan ng NFA council makaraang dumating ang 250,000 MT ng rice imports noong Hunyo at Oktubre.
- Latest