10 senador isinulong ang pagbuo ng Dep’t of Culture
MANILA, Philippines — Sampung senador ang nagsusulong na magkaroon ng Department of Culture na inaasahan umanong makakatulong sa pagpapalago at paglinang sa mayamang kultura ng bansa ngayong moderno na ang panahon.
Nakasaad sa Senate Bill No. 1528 o proposed ‘Department of Culture Act,” na magkaroon ng reorganisasyon sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) upang gawin tong Department of Culture.
Una nang inalis sa mandato ng Department of Education, Culture and Sports (DECS) ang pagtutok sa kultura upang makapag-focus ito sa edukasyon at iba pang kaugnay na tungkulin.
Ang panukala ay isinulong ni Sen. Francis Escudero bilang main author, kasama sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri and Senators Loren Legarda, Nancy Binay, Bam Aquino IV, JV Ejercito, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Risa Hontiveros, at Sonny Angara.
- Latest