^

Bansa

Taas-sahod ‘di sapat

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Taas-sahod ‘di sapat
Ayon kay Sen. Bam Aquino, parehong dagdag kita at bawas presyo ang kailangan ng ating mga kababayan.
File

MANILA, Philippines — Hindi sapat ang P25 taas-suweldo sa National Capital Region (NCR) at dapat samahan ng iba pang pagkilos na magpapababa sa presyo ng bilihin, kabilang ang suspensiyon ng excise tax sa langis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ayon kay Sen. Bam Aquino, parehong dagdag kita at bawas presyo ang kailangan ng ating mga kababayan.

Nais ni Bam na gawing prayoridad na sana ng Kongreso ang pagpasa sa Bawas Presyo Bill para maayos naman kahit kaunti ang TRAIN Law at mabawasan ang pasan ng Pilipino.

Inihain ni Sen. Bam ang Senate Bill 1798 o ang Bawas Presyo sa Petrolyo Bill noong May 2018 para lagyan ng dagdag na safeguard ang TRAIN Law na sususpinde sa koleksiyon ng excise tax sa langis kapag lumampas ang inflation rate sa target ng pamahalaan ng tatlong sunod na buwan.

Kung maipasa anya ang Bawas Presyo Bill at tanggalin ang excise tax sa petrolyo sa TRAIN Law, hanggang P87 kada araw ang dagdag sa kita ng mga jeepney driver na sapat para makabili ang PUV drivers ng dalawang kilo ng bigas kada araw para sa kanilang pamilya.

vuukle comment

NATIONAL CAPITAL REGION

TAX REFORM FOR ACCELERATION AND INCLUSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with