Pagbaba ng presyo ng mga bilihin mararamdaman na

Naniniwala rin ang NEDA chief na bababa na rin ang inflation rate sa 2-4 percent sa susunod na taon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Mararamdaman na ng mga consumers ang epekto ng ginagawang pagsisikap ng gobyerno na maibaba ang presyo ng bilihin simula sa buwang ito, ayon Kay NEDA chief Ernesto Pernia.

 Simula sa buwang ito ay ipapatupad ng gobyerno ang non-tariff barriers sa pag-angkat ng bigas at ibang products.

“Mararamdaman talaga ito siguro sa November, December at saka definitely sa 2019,” wika pa ni Pernia patungkol sa pagbaba ng bilihin.

Naniniwala rin ang NEDA chief na bababa na rin ang inflation rate sa 2-4 percent sa susunod na taon.

Bumaba na rin ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan at nasa average na lamang itong $63-$65 kada bariles, dagdag pa ni Pernia.

Show comments