MANILA, Philippines — Matapos manalasa ang bagyong Rosita, umapela si Isabela Rep. Rodito Albano III kay pangulong Duterte na magdagdag pa ng karagdagang military engineering brigades na siyang tutulong tuwing mayroong sakuna sa bansa.
Paliwanag ni Albano, ang engineering brigades ay maaaring magamit sa pagtugon sa rescue at rehabilitation ng mga na damaged na komunidad.
Kaya dapat lamang umanong magkaroon ng isang military engineering brigade sa bawat rehiyon na fully equipped at handa para sa disaster response mission.