MANILA, Philippines — Sisimulan na bukas ang pagpapatupad ng “adjusted mall hours” sa mga shopping mall sa Metro Manila bilang paghahanda sa inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko ngayong papalapit na ang holiday season.
Mula sa ?Lunes, Nov. 5, alas-11 na ng umaga ang oras nang pagbubukas ng mga shopping mall, isang oras na mas late kaysa sa alas-10:00 ng umaga na normal na pagbubukas.
Ang “adjusted mall hours” ay hanggang ?Enero 14, 2019 at sakop nito ang 15 shopping malls sa EDSA, Commonwealth, C5 at Marcos Highway.
Nilinaw naman ng MMDA na ang oras nang pagsasara ay depende na sa pasya ng mall owners at operators.
Umaasa rin ang MMDA na makikipagtulungan ang mga shopping malls sa pinatutupad na “adjusted mall hours”.
Kasama rito ang pagbabawal sa “sale” tuwing weekend dahil kadalasan ay dinadagsa ito ng maraming tao na nagiging sanhi ng matinding trapik sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila.