MANILA, Philippines — Kuntento si Pangulong Duterte sa pagresponde ng pamahalaan sa bagyong Rosita, na nag-iwan ng dose-dosenang patay.
“I am satisfied with the response of government, everybody’s here, and I think everyone is doing his duty. I’d like to thank you for that,” pahayag ng Pangulo sa isang situation briefing sa Cauayan, Isabela.
Una rito, nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Duterte sa mga lugar na napuruhan sa pananalasa ni Rosita.
Binigyang-diin din ng Presidente ang “number one rule” sa panahon ng kalamidad na dapat daw ay maibalik sa normal ang sitwasyon sa lalong madaling panahon.
Sa nabanggit na briefing, dumalo rin ang ilang mga miyembro ng Gabinete gaya nina Defense Sec. Delfin Lorenzana, Public Works and Highways Sec. Mark Villar, Labor Sec. Silvestre Bello II, at Health Sec. Francisco Duque III.
Sa kasalukuyan, batay sa datos ng pulisya, nasa 17 ang iniwang patay ng naturang bagyo.