^

Bansa

Andanar pinarangalan ng NPC

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Andanar pinarangalan ng NPC
Kinilala din ng NPC ang buong pusong pagsuporta ni Andanar sa mga proyekto at aktibidad ng grupo kabilang na ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng NPC at ng Chinese General Hospital.
Ace Morandante/Presidential Photo

MANILA, Philippines — Pinarangalan ng National Press Club si Presidential Communications Secretary Martin Andanar dahil sa walang sawa nitong suporta sa press freedom at pagsusulong ng kapakanan ng Philippine media community.

Tinukoy ni NPC President at kasalukuyang Presidential Task Force on Media Security Exe­cutive Director Joel Egco si Andanar bilang isa sa pinakamahusay na kalihim ng Communications department ng Malakanyang.

Kabilang sa mga tinukoy ng NPC na kapuri-puring ginawa ni Andanar ang malaking papel nito sa Executive Order no. 2 ni Pangulong Duterte na may kaugnayan sa Freedom of Information at ang Administrative order #1 o ang pagbuo ng PTFOMS.

Kinilala din ng NPC ang buong pusong pagsuporta ni Andanar sa mga proyekto at aktibidad ng grupo kabilang na ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng NPC at ng Chinese General Hospital.

Binigyang diin pa ng  grupo na sa loob lamang ng dalawang taong panunungkulan ni Andanar sa PCOO ay ramdam na ang malaking improvement sa serbisyo at pasilidad ng mga attached agencies tulad ng PTV, Radyo ng Bayan, Radio Television Malacañang, Philippine News Agency at Philippine Information Agency. 

MARTIN ANDANAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with