^

Bansa

Pagtulong ni Bong Go sa mahihirap patuloy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Pagtulong ni Bong Go sa mahihirap patuloy
Kausap at binigyan ng ayuda ni dating Special Assistant to the President Bong Go ang mga biktima ng sunog sa Quiapo, Manila.
Joven Cagande

Kahit wala na sa gobyerno

MANILA, Philippines — Hindi nababahala si dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go na mawalan ng pondo para sa pagtulong sa mga mahihirap at mga nangangailangan kahit wala na siya sa gobyerno.

Sinabi ni Go na kahit noong nasa government office pa siya ay marami na siyang kaibigan at tagasuporta na tumutulong para makalikom siya ng mga ibinibigay na tulong sa mga nasunugan at iba pang nangangailangan.

Ayon kay Go, patuloy niyang hinihimok ang mga kababayan at mga kaibigang may sobra-sobrang biyaya na ngayon ang magandang panahon ng pagtulong hindi lamang sa mga nasusunugan kundi maging  ang mga sinalanta ng bagyong Rosita.

Sa katunayan, isang araw bago ang pagbisita ni SAP Bong sa mga sinalanta ng bagyong Rosita ay dumalaw at dinalhan niya ng tulong ang mga nasunugan sa barangay Kauswagan, Cagayan de Oro City.

Kabilang sa mga da­lang tulong ni SAP Bong  ang ilang food assistance, uniform ng mga batang nag-aaral, sapatos, mga school supplies at marami pang iba.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with