MANILA, Philippines — Pinadi-diskwalipika na nang tuluyan ng Commission on Elections (Comelec) si dating senador Sergio Osmeña III na tumakbo sa anumang government position dahil umano sa kabiguang magdeklara ng tamang campaign expenses.
Ayon sa Comelec-Campaign Finance Office, dalawang beses nabigo ang dating senador na mag-file sa takdang panahon ng Statement of Contributions and Expenditure (SOCE).
Bagaman nanalo noong 2010 elections, hindi naman nakapagsumite ng SOCE si Osmeña sa loob ng 30-day period at noon ding 2016 polls kung saan natalo siya sa muling pagsabak sa senatorial race.
Sa petisyong nilagdaan ni Atty. Efraim Bag-Id, acting campaign finance director ng poll body, pagmumultahin si Osmeña ng P60,000 bukod pa sa “perpetually disqualification” sa paghawak sa anumang public office.
Subalit kampante naman ang dating mambabatas na mababasura ito dahil pinayagan siyang makapag-file ng SOCE kahit late noong 2010.