^

Bansa

‘Age of consent’ sa pakikipagtalik gawing 16-anyos - Binay

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
�Age of consent� sa pakikipagtalik  gawing 16-anyos - Binay
Sinabi pa ni Binay na ginagamit ng ilan ang mababang age of consent para takasan o lusutan ang mas mataas na parusa.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Isinusulong na sa Senado ang panukalang itaas sa 16 taong gulang ang tinatawag na “age of consent” sa pakikipagtalik mula sa kasalukuyang 12 taong gulang.

Sa Senate Bill 1895 na inihain ni Sen. Nancy Binay, sinabi nito na ang Pilipinas ang may pinakamababang age of consent kaya hindi maituturing na statutory rape ang insidente ng diumano’y panggagahasa ng isang pulis sa anak ng isang drug suspect. 

Sinabi pa ni Binay na ginagamit ng ilan ang mababang age of consent para takasan o lusutan ang mas mataas na parusa.

Naniniwala si Binay na kung itataas ang age of consent mas mababawasan ang pang-aabuso sa mga menor de edad.

Samantala, mariing kinondena ni dating solicitor general Florin Hilbay ang pamahalaan sa diumano’y pagsuporta sa kultura ng karahasan na nagpapalakas sa loob ng ilang pulis na abusuhin ang kanilang kapangyarihan.

“Sa ginagawang paghikayat ng pamahalaan na gumawa ng karahasan, ngayon wala nang takot ang ilan nating pulis na pumatay, manghuli, labagin ang batas at manggahasa,” giit ni Hilbay.

Naniniwala si Hilbay na mas dapat ding maging maingat si Pangulong Duterte sa paglalabas ng mga pahayag na maaaring mauwi sa karahasan at pag-abuso sa kapangyarihan.

Iginiit din ni Hilbay na dapat magkaroon ng masusing imbestigasyon tungkol sa kaso ng pulis na sinasabing nanggahasa upang mabigyan ng hustisya ang biktima.

NANCY BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with