Live fingerprint scan, ipatutupad sa 2019 polls
MANILA, Philippines — Asahan na umano ang pagkakaroon ng pagbabago ng sistema sa proseso nang pagboto sa darating na 2019 midterm elections.
Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez na magkakaroon na sila ng live scan fingerprint verification system sa lahat ng mga polling precincts sa halalan.
Sa pamamagitan ng live scan fingerprint verification system, matutukoy kaagad kung ang isang botante ay registered sa partikular na polling precinct na pinasukan nito.
Inaasahan aniya na sa ganitong paraan ay maging mas systematic ang pagdaraos ng 2019 polls.Maiiwasan na rin ang mahabang pila sa mga polling precincts.
Samantala, sinabi ni Jimenez na sa Nobyembre pa magsisimula ang pagdinig ng Comelec para sa mga nuisance candidates.
- Latest