^

Bansa

MPS sa Boracay ayaw ni Albayalde

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
MPS sa Boracay ayaw ni Albayalde
Sinabi ni Albayalde na may sapat ng mga pulis na nagbabantay para tiyakin ang seguridad ng mga establisyemento, mga turista at residente sa mala-paraisong isla na isa sa pamosong destinasyon sa Pilipinas.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Hindi pinaboran ni Philippine National Police Chief P/Director General Oscar Albayalde ang panukala na ilipat ang Municipal Police Station (MPS) ng bayan ng Malay, Aklan sa Boracay Island.

Sinabi ni Albayalde na may sapat ng mga pulis na nagbabantay para tiyakin ang seguridad ng mga establisyemento, mga turista at residente sa  mala-paraisong isla na isa sa pamosong destinasyon sa Pilipinas.

Nitong Biyernes ay nagbukas muli sa mga turista  ang Boracay Island matapos na isailalim ito sa anim na buwang rehabilitasyon.

Nabatid na aabot sa mahigit 400 pulis ang kasalukuyang nakadeploy sa Boracay bukod pa sa mga sundalo at Philippine Coast Guard o kabuuang bilang na nasa  600 o higit pang security forces.

Una rito, uminit ang panukala na ilipat ang Malay MPS sa Boracay Island  dahilan ito ang sentro ng negosyo sa  nasabing bayan bunga ng mayabong na turismo sa pagtungo rito ng mga turistang lokal at dayuhan.

Related video:

BORACAY ISLANDS

MUNICIPAL POLICE STATION

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with