Batas kailangan sa political dynasty
MANILA, Philippines — Inamin ni House Speaker Gloria Arroyo na tali ang kamay ng gobyerno sa isyu ng political dynasty hanggang walang batas dito.
Ito ay kahit pa hindi tinatantanan ng batikos ng iba’t ibang sektor ang mga magkakaanak na sabay-sabay o di kaya ay mistulang nagpapamana na lamang ng posisyon sa asawa o anak.
Ayon kay Arroyo, kailangan ng batas na magde-define ng political dynasty para makakilos ang pamahalaan at mapasunod ang mga pulitiko sa probisyon ng konstitusyon laban sa dynasty.
Ang political dynasty naman umano ay katulad ng ibang political activity na may maganda at may hindi magandang dulot.
Sinabi pa ng Speaker na walang pwedeng makapagsabi na totally bad o totally good ang political dynasty.
Hanggang ngayon, wala pang nakakalusot na panukala sa kongreso na maglilimita ng bilang ng magkakaanak na magkakasabay na tumakbo sa eleksyon para iwas political dynasty.
Dahil dito, bigo ang mga mambabatas na bigyan ng enabling law ang probisyon ng Saligang Batas laban dito.
- Latest