^

Bansa

Malay mayor sinuspinde ng Ombudsman

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Malay mayor sinuspinde ng Ombudsman
Ayon kay DILG officer-in-charge-Secretary Eduardo Año, epektibo na ang suspensiyon ni Cawaling kahapon, Oktubre 25, 2018 at ang DILG mismo ang magsisilbi ng suspension order laban sa kanya.
Facebook Photo

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na sinuspinde na ng Office of the Ombudsman si Malay town Mayor Ciceron Cawaling, bunsod ng kasong kinakaharap nito na nag-ugat sa umano’y pagpapabaya na nagresulta sa pagkakaroon ng mga problemang pangkalikasan sa Isla ng Boracay.

Ayon kay DILG officer-in-charge-Secretary Eduardo Año, epektibo na ang suspensiyon ni Cawaling kahapon, Oktubre 25, 2018 at ang DILG mismo ang magsisilbi ng suspension order laban sa kanya.

Bunsod naman ng suspensiyon kay Cawaling, si Vice Mayor Abram Sualog muna ang magsisilbi bilang acting Mayor ng bayan ng Malay, na siyang nakakasakop sa Boracay Island.

Matatandaang Hunyo 2018 nang sampahan ng DILG ng kasong kriminal at administratibo ang 17 opis­yal ng lalawigan ng Aklan, kabilang sina Cawaling at Sualog, dahil sa kapaba­yaan na nagresulta sa mga environmental problems sa Boracay.

Ang kaso ay inihain sa Ombudsman, dalawang buwan matapos isara ang naturang pangunahing tourist spot sa bansa noong Abril 26, 2018.

Matapos naman ang anim na buwang rehabilitas­yon sa isla ay nakatakda na itong buksan sa publiko ngayong araw, Oktubre 26.

CICERON CAWALING

EDUARDO AñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with