^

Bansa

PNPA director sinibak sa ‘oral sex’ scandal!

Joy Cantos, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
PNPA director sinibak sa �oral sex� scandal!
Ayon kay DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, tagapagsalita ng DILG, ipinag-utos ni Año ang agarang pag-relieve kay PNPA Director, Chief Supt. Joseph Andol dahil sa command responsibi­lity at upang bigyan-daan ang isang patas na imbestigasyon sa insidente.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ni Department of the Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Secretary Eduardo M. Año ang hepe ng Philippine National Police Academy (PNPA) kasunod ng isyu ng umano’y “oral sex punishment” at hazing na ipinatupad ng isang senior cadet sa kanyang mga underclassmen.

Ayon kay DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, tagapagsalita ng DILG, ipinag-utos ni Año ang agarang pag-relieve kay PNPA Director, Chief Supt. Joseph Andol dahil sa command responsibi­lity at upang bigyan-daan ang isang patas na imbestigasyon sa insidente.

Kasabay nito, inatasan din ni Año si Philippine Public Safety College President (PPSC) Ricardo de Leon na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa isyu at magpatupad ng mga kaparaanan upang hindi na maulit pa ang mga ganitong insidente sa loob ng PNPA, na isang constitutive unit ng PPSC.

“We should not tolerate such scandalous acts in our ranks. The PPSC should act with dispatch to ensure that the true ideals, values, and discipline in the academy will continuously be upheld,” ayon kay Año.

Aniya, magsasagawa rin ang PNP ng hiwalay na imbestigasyon upang matukoy ang criminal liability ng mga taong sangkot.

Sa inisyal na ulat, lumilitaw na Oktubre 6 nang maganap ang insidente sa likod ng barracks, kung saan isang upperclassman ang nag-utos sa dalawang plebo na magsagawa ng oral sex bilang parusa dahil sa nagawang paglabag ng mga ito.

Dalawang senior cadets naman ang nadamay sa insidente matapos na manood lamang at hindi umaksyon laban dito.

Inilagay na sa isolation ang mga respondent cadets at mahaharap sa mga kasong administra­tibo at kasong kriminal na hazing.

Magsasampa rin umano ng hiwalay na kaso laban sa kanila ang mga plebo.

Noong Marso, nasangkot na rin ang PNPA sa iskandalo matapos na anim na graduating upperclassmen ang binugbog ng 40 PNPA cadets sa kanila mismong graduation day.

vuukle comment

JOSEPH ANDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with