Dual Training System palalawakin ng TESDA

Ang programa ay kasama sa mga tatalakayin sa idaraos na “Industry Forum on DTS Implementation” kasabay sa pagdiriwang ng DTS Week ng ahensya na gaganapin sa Hotel Jen sa Pasay City sa Oktubre 24, 2018. Ito ay may temang “DTS Talaga ang Swak”.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Palalawakin at pasisiglahin ng Technical Education and Skills Development Authority ang implementasyon ng Dual Training Systems and Dualized Training Programs para sa technical-vocational education training (TVET) sa bansa.

Ang programa ay kasama sa mga tatalakayin sa idaraos na “Industry Forum on DTS Implementation” kasabay sa pagdiriwang ng DTS Week ng ahensya na gaganapin sa Hotel Jen sa Pasay City sa Oktubre 24, 2018. Ito ay may temang “DTS Talaga ang Swak”.

 “Layunin ng pulong na bumuo ng mga pamamaraan upang hikayatin ang paglahok ng mga industriya, at talakayin ang mga inisyatibo na maaring magpalawak sa pagtugon ng mga stakeholders sa implementasyon ng DTS,” ayon kay TESDA Deputy Director General for Partnerships and Linkages Rebecca J. Calzado.

Show comments