P2 sa gasolina, P.90 sa diesel
MANILA, Philippines — Nagpatupad ng “bigtime rollback” sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa.
Kahapon, nagtapyas ng P2 kada litro sa gasolina, P.90 sa diesel at P.95 sa kerosene ang Unioil, Jetti at Seaoil.
Magpapatupad naman ng rollback ang mas malalaking kumpanyang Pilipinas Shell, Petron Corporation, at PTT Philippines ng bahagyang mas mababang P1.85 kada litro sa gasolina, at P.90 sa diesel ngayong Lunes ng umaga.
Nauna nang nagbaba sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga independent playes na Phoenix Petroleum, Petro Gazz at CleanFuel nitong nakaraang Sabado.
Ikinatwiran ng mga kumpanya sa rolbak ang pagbaba sa presyo ng petrolyo sa internasyunal na merkado mula Oktubre 15-19.