MANILA, Philippines — Iginiit ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Kongreso na magpasa ng batas na magbabawal sa paggamit ng sidewalk o mga lansangan na ginagawang paradahan ng mga sasakyan.
“Sidewalks are for the use of pedestrians. And therefore should not be used as parking space. Also not to be used as exclusive parking spaces are roads in front of their establishments. It is expected from business establishments to provide adequate parking areas for their customers. The same with condominium buildings,” pahayag ni Atty Ariel Inton, founding president ng LCSP.
Sinabi ni Inton na sa panukala ng LCSP, dapat isama ang barangay at lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng hakbang oras na maging batas dahil sila ang unang nakakakita ng mga violators tuloy makakalikom sila ng kaukulang pondo mula sa penalty para rito.
Hindi anya naging makatwiran ang isang panukala sa Kongreso na nag-uutos sa mga car owners na magbigay ng affidavit para matiyak na may parking area ang kanilang sasakyan dahil hindi naman ito susuriin ng LTO gayundin ang LTFRB ay nabibigyan ng franchise ang mga for hire vehicles na walang parking area dahil drawing lang ng parking area ang requirement dito at hindi naman napupuntahan ng mga tauhan ng LTFRB.
“Kaya nga ngayon dahil mura ang down ng pagbili sa sasakyan madami ang nagkakakaroon ng sasakyan pero karamihan sa kanila ay walang parking area at gamit ay sidewalks kaya ito ang dapat tutukan at bigyang daan ng Kongreso,” pahayag ni Inton.