Panawagan ni Duterte sa NPA suportado ng AFP
MANILA, Philippines — Nakiisa na rin sa panawagan ni Pangulong Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para isuko ng mga miyembro ng mga rebeldeng grupo ang kanilang mga armas at magbalik loob sa gobyerno para makapamuhay ng maayos sa kanilang mga komunidad.
Sa pahayag ni AFP spokesman Brigadier General Edgard Arevalo, sinabi niya na marami ng mga komunistang rebelde ang sumuko at nakabalik sa kanilang mga pamilya at komunidad kaya nangangahulugan lamang ito na laos na ang ideolohiya ng mga komunista.
Iginiit pa ni Arevalo na lumipas na rin ang tinatawag nilang “peoples revolution” dahil marami nang mga Filipino kabilang na ang mga losing army ang nakaka-realized na inutil ang kanilang tinatawang na ideolohiya.
Idinagdag pa niya na daan na miyembro ng komunista ang sumuko at ang iba pang nasa bundok ay nagpadala na ng surrender feelers, dahil alam nila na nanganganib ang kanilang buhay dahil sila ang nangunguna sa bakbakan habang ang kanilang lider ay nasa Europe at namumuhay ng masagana mula sa pera na kanilang kinita sa pamamagitan ng extortion.
Ayon pa kay Arevalo na ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng gobyerno ay umaarangkada na para masiguro na ang mga dating rebelde ay magkakaroon ng wholistic package at mga benepisyo na hindi lamang limitado sa kalusugan, edukasyon, livelihood assistance at legal assistance.
Kaya ito na umano ang tamang oras para sumuko ang mga rebelde at ma-avail ang mga benepisyo na ini-enjoy na ng mga “Former Rebels o FRs.
- Latest