Indigenous People’s Tribe, umapela sa gobyerno

Ayon kay Hawudon Datu Engwan Ala, 42, Municipal Chieftain ng Indi­genous People’s (IP) Tribe, kabado siya kung sakaling maapektuhan ang mga kompanya ng minahan kung saan nagtatrabaho ang karamihan sa kaniyang mga ka-tribu.
Andy G. Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pa­ngamba ang mga tribu ng Manobo at Mamanwa sa nakaambang pagkawala ng trabaho at pagkakakitaan, bagay na kanilang ibinahagi sa nagdaang pagpupulong para sa “Indigenous People’s Month” na ginanap sa lalawigan ng Surigao del Sur.

Ayon kay Hawudon Datu Engwan Ala, 42, Municipal Chieftain ng Indi­genous People’s (IP) Tribe, kabado siya kung sakaling maapektuhan ang mga kompanya ng minahan kung saan nagtatrabaho ang karamihan sa kaniyang mga ka-tribu.

 “Kami na mga tribu ang unang-unang maapektuhan dahil sa  mga kompanya ho kami umaasa ng trabaho at kabuhayan, ng scholarship ng mga anak namin at pati yung mga health services”, ayon pa kay Datu Engwan na dating nagtatrabaho sa CTP Construction and Mi­ning Corporation mula 2005-2013 bago siya naging Manobo-Mamanwa tri­bal chieftain.

Bagamat mga tahimik at mapayapang mga komunidad, karamihan sa mga Indigenous Tribena ay biktima ng diskriminasyon dahil sa karamihan sa kanila ay hindi nakapag-aral. Noon, ang madalas nilang pinagkakakitaan ay ang iligal na pangingisda. Noong maitayo ang mga kompanyang nagmimina sa kanilang rehiyon, nagkaroon sila ng regular na trabaho.

Sa kasalukuyan, higit sa 3,000 mga manggagawa at 800 pamilya mula sa mga IP communities ay nagtatrabaho sa mga minahan sa Carrascal. Karamihan sa mga ka-tribo ni Datu Engwan ay nagtatrabaho sa Carrascal Nickel Corporation, CTP Construction and Mining Corporation and Marcventures Development Corporation (MMDC). 

“Nakikiusap kami na tingnan at pag-aralang mabuti ng gobyerno ang epekto. Babalik na naman kami sa dati. Umangat na ang kalidad ng buhay namin, nakapagpagawa na rin kami ng bahay. Paano na yung mga pag-aaral ng kabataan namin, yung mga naumpisahan na naming proyekto? Maayos na ang buhay namin dito, Ayaw na naming bumalik at makigulo pa sa Maynila para doon pa maghanap ng trabaho.” pakiusap pa ni Datu Engwan.

Show comments