^

Bansa

Napilitan lang sila kahit ayaw ko - Digong

Pilipino Star Ngayon
Napilitan lang sila kahit ayaw ko - Digong
“So ayaw ko ng dynasty but we are forced. At saka magtanong ka, punta kayo ng Davao. You conduct a survey. Itong mga interesado na dynasty, dynasty eh ‘di pumunta kayo na sa tao,” paliwanag pa ni Pa­ngulong Duterte sa kanyang mensahe sa Philippine Business Conference and Expo kamakalawa ng gabi.
Presidential Photographers Division/Released, file

3 anak kandidato

MANILA, Philippines – Ayaw ni Pangulong Duterte ng political dynasty subalit napilitan lamang ang kanyang pamilya na tumakbo sa mga posisyon dahil sa mismong taga-Davao City ang may gusto nito.

“So ayaw ko ng dynasty but we are forced. At saka magtanong ka, punta kayo ng Davao. You conduct a survey. Itong mga interesado na dynasty, dynasty eh ‘di pumunta kayo na sa tao,” paliwanag pa ni Pa­ngulong Duterte sa kanyang mensahe sa Philippine Business Conference and Expo kamakalawa ng gabi.

“Tanungin mo ang tao, dito tanungin mo. It’s still political families. Because sabihin naman ng mga barangay captain, “ah ayaw namin ‘yan”. Ah hindi na magkakampanya ‘yan kung ayaw nila. At saka usually ‘pag naumpisahan ng isa, tuloy-tuloy na ‘yan kasi hingiin ng mga tao na ‘yan. So that’s politics,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos magsumite ng kanilang certificate of candidacies ang kanyang mga anak sa Davao City na sina incumbent Mayor Sara Duterte para sa re-election, si resigned Vice-Mayor Paolo Duterte na tatakbong kongresista at si Baste Duterte na magiging runningmate ni Mayor Sara.

“Ngayon, tatakbong congressman si Pulong sa first district ni Nograles. Eh ‘yung kapatid naman, ewan ko kung anong bakukang na napasok kay Inday, pinilit niya itong ano ngayon bunso, si Sebastian. Walang ginawa ‘yan sa buhay. Mabuti meron na siguro kung i-vice mayor niya,” dagdag pa ni Pangulo. (Rudy Andal)

DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with