Faction ng PDP-Laban diringgin ng Comelec
MANILA, Philippines — Diringgin na ng Comelec en banc ang tinatawag na intra-party dispute o kontrobersiya sa pagitan ng dalawang paksyon ng Partido Demokratikong Pilipino o PDP-Laban.
Layon ng pagdinig na matukoy sa lalong madaling panahon kung sino ang tunay na PDP-Laban matapos itanggi ni Sen. Koko Pimentel na miyembro nila ang singer na si Freddie Aguilar matapos nitong ilagay sa kanyang COC ang PDP-Laban na kanyang partido.
Ayon sa Comelec, napadalhan na nila ng notice ang magkabilang kampo para dumalo sa hearing mamaya.
Ayon kay Director Maria Norina Casingal ng Comelec Law Department, hindi pwedeng dalawa ang kilalanin ng Comelec na PDP-Laban.
Aalamin anya sa hearing kung sino ang tunay na miyembro ng PDP-Laban.
Si Pimentel ang tumatayong presidente ng PDP-Laban at nagpapakilala namang miyembro ng partido si Aguilar na sinasabing nagsumite rin ng certificate of Nomination and acceptance o CONA na pirmado ng isang Wilfredo Talag na nagsasabing secretary general ng ruling party.
- Latest