^

Bansa

P87 kada araw dagdag kita ng jeepney drivers

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P87 kada araw dagdag kita ng jeepney drivers
“Hindi sapat ang suspension. Lubusin na natin ang pagtanggal ng excise tax sa petrolyo ng TRAIN Law. Nalulunod na sa taas presyo ang mga Pilipino, lalo na ang mga driver ng mga jeep, tricycle at iba pang PUV,” wika ni Sen. Bam, isa sa apat na senador na kumontra sa ratipikasyon ng TRAIN Law.
Andy G. Zapata Jr

MANILA, Philippines — Nanindigan si Sen. Bam Aquino sa kanyang pagtutol sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law at patuloy na isinusulong ang tuluyang pag-alis sa excise tax sa petrolyo para sa kapakinabangan ng mga driver ng public utility vehicles (PUVs) at commuter.

“Hindi sapat ang suspension. Lubusin na natin ang pagtanggal ng excise tax sa petrolyo ng TRAIN Law. Nalulunod na sa taas presyo ang mga Pilipino, lalo na ang mga driver ng mga jeep, tricycle at iba pang PUV,” wika ni Sen. Bam, isa sa apat na senador na kumontra sa ratipikasyon ng TRAIN Law.

“Kung tatanggalin ang excise tax sa petrolyo sa TRAIN Law, hanggang P87 kada araw ang dagdag sa kita ng ating mga jeepney driver,” dagdag ni Bam.

Ang dagdag na kita ng PUV drivers ay sapat para pambili ng dalawang kilo ng bigas kada araw para sa kanilang pamilya, dugtong pa niya.

Mula pa noong May 2018, isinusulong na ni Bam ang suspensiyon at rollback ng excise tax sa petrolyo sa ilalim ng TRAIN Law sa kanyang Senate Bill 1798 o ang Bawas Presyo sa Petrolyo Bill.

vuukle comment

TRAIN LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with