Dagat sa Boracay malinis na

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu, maaari nang pag­languyan ang karagatan ng isla dahil malinis na ang katubigan dito ngayon.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Hindi na isang cesspool ang karagatan ng Boracay sa ngayon matapos ang anim na buwang rehabilitasyon dito.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu, maaari nang pag­languyan ang karagatan ng  isla dahil malinis na ang katubigan dito ngayon.

Anya sa pinakahuling water quality test sa karagatan ng Boracay, ito ngayon ay nakapagrehistro ng 18.1 mpn (most probable number) per 100 ml coliform mula sa dating  1 million mpn per 100 ml.

Bunga nito, handa na ang isla para tumanggap ng mga turista para sa soft opening sa susunod na Biyernes sa October 26.

Sinasabing may 68 hotels lamang ang nabigyan ng permit para tumanggap ng guest reservations sa isla kaya pinapayuhan ang mga turista na seguruhing accredited ng Tourism department ang tutuluyan doon.

Related video:

Show comments